Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ABS-CBN’s primetime series nasa WeTV na

TATLONG Kapamilya teleserye ang mapapanood na rin sa WeTV. Ang tatlo ay ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, Huwag kang Mangamba nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Seth Fedelin, at Francine Diaz, at ang Init sa Magdamag nina Yam Concepcion, Gerald Anderson and JM de Guzman.

 Mapapanood ang mga lumang episodes ng Ang Probinsyano samantalang ang mga bagong  episodes ay mapapanood tuwing Sabado hanggang Miyerkoles, 6:00 p.m.

Ang mga fresh episodes ng Huwag Kang Mangamba  ay mapapanood tuwing Sabado at Miyerkoles, 10:00 p.m., at ang Init Sa Magdamag ay available ding  mula Sabado hanggang Miyerkoles ng 11:20 p.m.

Samantala, mapapanood naman ang action-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano sa 41 bansa sa Africa simula ngayong Hulyo sa pamamagitan ng StarTimes PTV, ang nangungunang digital TV operator sa Sub-Saharan region.

Ibinahagi ito ng Dreamscape Entertainment sa kanilang social media post. Anila, “Ang pambansang teleserye, pang international na rin! Mapapanood na ang #FPJsAngProbinsyano sa 41 countries sa Africa simula ngayong July sa StarTimes PTV Regional network.” (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …