Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pokwang, Albert, at Boyet bibida sa 19th anniversary ng Wish Ko Lang

NINETEEN years na ang Wish Ko Lang at sa loob ng halos dalawang dekada, marami na rin itong pangarap na tinulungang matupad. At sa gitna ng pandemya, patuloy ang programa ni Vicky Morales sa pagbibigay ng pag-asa sa bawat Filipino.

Bilang treat sa loyal viewers, isang month-long anniversary special ang handog ng Wish na pagbibidahan ng mga naglalakihang artista.

Una na rito ang bagong Kapuso na si Pokwang na bibida sa episode ngayong July 3 kasama sina Jeric Gonzales, Arra San Agustin, Jennie Gabriel, at Bench Hipolito.

Sa kuwentong Ang Forever ni Miss Virgie, isang dedicated Filipino teacher na nagngangalang Virgie ang gagampanang karakter ni Pokwang. Dahil sa sobrang busy, hindi na nakapag-asawa si Virgie. Pero hindi niya inakalang sa 25th anniversary ng kanilang paaralan, makikita niya ang isa sa mga dati niyang estudyante na si Joshua (Jeric) na mahuhulog ang loob niya at magiging manliligaw niya. Hahadlangan naman ng ex-girlfriend ni Joshua na si Pauline (Arra San Agustin), na dati ring estudyante ni Virgie, ang namumuong pagtitinginan ng dalawa.

Bukod kay Pokwang, dapat ding abangan ang iba pang bigating guest stars sa 19th anniversary ng bagong Wish Ko Lang, tulad nina Christopher de Leon, Albert Martinez, Rhian Ramos, at Sanya Lopez.

Mapapanood ang Wish Ko Lang tuwing Sabado, 4:00 p.m. sa GMA Network.

Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …