Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanya lalong sumikat dahil sa First Yaya

AY posibilidad kaya na sa tunay na buhay ay umibig ang isang Sanya Lopezsa isang Gabby Concepcion?

Sa First Yaya kasi ay nag-iibigan sina Melody (papel ni Sanya sa serye) at Glenn (Gabby).

“Mahirap po kasing magsalita sa panahon ngayon, well wala naman po akong sinasabing, kumbaga, kung anong age, wala naman pong imposible.

“Kapag ibinigay talaga sa ‘yo ni God kung sino ang para sa ‘yo, tanggapin na lang po natin kung ano po ‘yun.

“Sa ngayon po, masaya kaming magkakaibigan ngayong lahat,” ang nakangiting wika ni Sanya. “So iyon po muna, enjoy-in muna namin ‘yung company ng isa’t isa, ganoon po muna.”

Paano binago ng First Yaya ang buhay ni Sanya?

“Siguro mas lumalim ‘yung pagkakakilala ko lalo na sa mga kasambahay at sa buhay natin lalo na kapag kasama ko ang pamilya ko.

“Mas nakilala ko ‘yung sarili ko at ‘yung ibang tao, na nagkaroon ako lalo ng respect sa kanila at ‘yung halaga ng bawat isa. Iyon ‘yung nagpa-realize sa akin na, ‘Ah, kailangan pala…’

“Lahat tayo, lalo na sa mga kasambahay, lahat tayo may mga dinadalang… may mga kanya-kanyang problema. 

“Before kasi mayroon akong sariling parang ako lang ‘yung mahalaga. Pero rito mas nakilala ko ‘yung sarili ko na sa buhay natin hindi lang ikaw ang mahalaga.

“Mahalaga rin ‘yung buhay ng ibang tao, ‘yung saya rin nila, ‘yung ngiti nila.”

At pagdating sa kasikatan, masasabing nadoble o natriple ang popularidad ni Sanya dahil sa First Yaya.

“Hindi ko po alam kasi hindi ko po talaga maisip na ganoon po. Usually nakikita ko na lang po sa mga feedback o sa mga comment ng mga tao sa social media, na puro ganoon po, na maganda o ‘yung show na ‘First Yaya.’”

Pero ayaw tanggapin ni Sanya na siya lang ang nagdala ng tagumpay ng kanilang serye.

“Hindi lang po sa akin. Dahil po iyan sa buong cast dahil po sa magagaling na writers at directors.

“Kaya hanggang ngayon ganoon pa rin naman, wala akong ibang maisip kundi thankful ako na naging part po ako nito.”

Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …