Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby walang ambisyong maging politiko

DAHIL isang presidente ang papel ni Gabby Concepcion sa First Yaya, natanong ito kung tatanggapin niya sakaling may mag-alok sa kanyang tumakbo sa isang puwesto sa gobyerno.

“Ang totoong sagot, mahirap! Mas mabuting huwag na kasi hindi ako makakapag-taping.

“So mas maganda kung huwag na lang muna and bata pa akong masyado.”

Walang ambisyon si Gabby na maging isang politiko.

Magtatapos na ngayong Biyernes ang First Yaya sa GMA at mas lalong kapana-panabik ang mga magaganap.

Successful noon ang Love You Two na si Jennylyn Mercado ang leading lady ni Gabby at mega-success din ngayon ang First Yaya nina Gabby at Sanya Lopez, ano ang sikreto ng actor na kahit kanino siya itambal ay patok na patok?

“Ang tingin ko lang, magagaling mag-match ‘yung mga [GMA] executive, ‘yung mga head, kung sino ‘yung mga bumubuo at namimili ng casting. I think sila ‘yung dapat bigyan ng credit.

“Kasi sila ‘yung nakaaalam, kasi kilala nila kami, kaya ‘pag pinagsama nila, alam nila kung magki-click o hindi so, palagay ko pinag-aaralan nila iyon,” sinabi ni Gabby na sa paningin ng marami ay lalong gumagwapo at bumabata ang itsura sa pagdaan ng mga taon.

“And kahit na sino pa ang mag-decide, nagpapasalamat kami, ako, nagpapasalamat ako,” dagdag pang pahayag ni Gabby.

“Wala naman talagang secret, ano lang siguro Beautederm lang at Aquabest lang, kapag gusto n’yo lang, try n’yo lang,” pagtukoy pa ni Gabby sa mga ineendoso niyang skinline at mineral water products.

Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …