Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jean binuweltahan si Alwyn– Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?!”

SA nakaraang post ni Alwyn Uytingco sa kanyang Instagram account na larawan nilang mag-anak, may caption iyong, “Araw-araw, ito ang magiging dasal ko. Ito ang kakapitan ko. Ito ang papangarapin ko. Ito ang aasahan ko. Na balang araw, maging maayos na ang lahat. Alam ko hindi magiging madali, alam ko marami ang kailangan harapin. Pero mas pipiliin kong tawirin ang tulay na ‘to, kahit ikamatay ko, susubukin ko dahil alam ko na ikaw (at mga anak natin) ang sasalubong sa’kin sa dulo.”

Kulang 2k ang nagbigay ng komento na umaasang muling magkakabalikan ang mag-asawang Alwyn at Jennica Garcia-Uytingco at pawang heart emojis naman ang karamihan.

Pero iba ang komento ng ina ni Jennica na si Jean Garcia.

Mula sa IG account ng aktres @chic2garcia, “Talaga ba y’an Alwyn?!! Sana sinagot mo message ko sa’yo respeto kase ‘yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?!”

Lumalabas na dinededma ni Alwyn ang biyenang babae kaya siguro sa mismong post ng aktor na nag-post si Jean.

Nag-post noong Hunyo 12 si Jean ng quotation patungkol sa manugang niyang si Alwyn.

“You can love someone with all your heart, but If they’re not going to be a good person for you, in your life, then it’s time to just say goodbye.”

Sa pahaging na ito ng ina ni Jennica ay dapat siguro nag-reach out na si Alwyn sa biyenan pero deadma kaya napilitan na si Jean na sa mismong post ng actor magkomento.

At habang isinusulat namin ang balitang ito ay muling nag-post si Jean ng, “A REAL MAN chooses to honor, love, respect, adore and be faithful to one woman.”

Sabay sabi ni Jean, “Aaawww…just saying… again!!! #mondaythoughts.”

Nag like naman ang kapwa artista ni Jean tulad nina Aiko Melendez, Rita Avila, Rufa Mae Quinto at iba pa.

Sabi ng netizen na si @adamcando, “Confirmed. Nambabae nga si Alwyn. ‘Yan napapala. Magdusa ka ngayon.”

Say naman ni @celinarockat50, “Exactly…. kasi one day ‘yan din Ang magiging legacy n’ya na maiiwan Sa mga anak nya. And I’m super lucky that my tatay is this kind of man… stay faithful with my mom until his last breath. They stay married for 65 yrs until he passed away last 2014. And it’s his birthday tomorrow. He’ll be 93. But my mom is still alive and already 92 yrs old. Anyway I admired you for being a great mom to your children. Especially now for what happened to your panganay. The strength of a mom is very admirable.”

Tsinek naman namin ang IG post ni Jennica at masaya niyang ibinalita na nag-aaral siya ngayon kapag walang taping.

Ipinost ng aktres ang larawan niya sa harap ng laptop nitong Lunes ng umaga.

“Good morning! I am not sure if I’ve shared it to you all before but I am Positive Psychology student. All my classes are done online. When I don’t have taping, I make sure that I have 10 hours (the very least) to focus on studying so that I get to submit my works on time. When I have taping, I review past lectures between breaks as soon as I’ve already memorized my script for Las Hermanas. Are you like me? In your 30’s but still studying? AYOS LANG YAN! Kaya natin ito. We will one day reap what we sow. Aja!”

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …