Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angela Alarcon lumaking rebelde

Rated R
ni Rommel Gonzales

DISIOTSO-anyos lamang si Leila na isang Papa’s girl. Kaya naman nang makulong ang ama at nag-asawa ng iba ang ina ay hindi niya ito matanggap.

Lumaking rebelde si Leila at maagang nakipagrelasyon, ngunit iniwan din siya ng kanyang kasintahan at ipinagpalit sa ibang babae.

At sa panahon ng kanyang kalungkutan, nakilala niya si Dan, 50, na hiwalay sa asawa at may dalawang anak. Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad ay umibig si Leila kay Dan.

At dahil nabuntis siya ni Dan, nagsama na sila sa iisang bubong. Hindi niya inasahan na haharap siya sa isang komplikadong buhay bilang madrasta ng mga anak ni Dan na mas matatanda pa sa kanya.

Hanggang kailan at hanggang saan kakayanin ni Leila ang pagsubok ng bagong buhay na pinasok niya? Hanggang kailan niya ipaglalaban ang  sarili para mahalin ng mga anak ni Dan? Hanggang saan siya dadalhin ng pag-ibig ni Dan sa kanya?

Ngayong Sabado ng gabi, June 26, panoorin ang episode ng Magpakailanman sa GMA na pinamagatang Batang Madrasta. Pinagbibidahan ito nina Angela Alarcon at Gardo Versoza. Tampok din sina Prince Clemente, Erin Ocampo and Jenine Desiderio. Ito ay idinirehe ni Rechie Del Carmen, sa pananaliksik ni Stanley Pabilona at sa panulat ni Benson Logronio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …