Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
TRESE (L to R) GRIFFIN PUATU as THE KAMBAL and SHAY MITCHELL as ALEXANDRA TRESE in episode 104 of TRESE Cr. COURTESY OF NETFLIX © 2021

Ogie sa mga kumukuwestiyon kay Liza sa Trese — Hindi kami ang nag-apply sa Netflix, sila ang lumapit kay Liza 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

PINAYUHAN pala ni Ogie Diaz ang alaga niyang si Liza Soberano na deadmahin ang mga nang-iintriga  sa pagkuwestiyon kung siya ang bida sa Trese, Netflix original animated series na produced at idinirehe ni Jay Oliva.

Hindi raw kasi bagay ang boses ni Liza sa gumaganap na bidang si Alexandra Trese.

Ang Trese ay base sa Pinoy graphic novel nina Budjette Tan at KaJO Badisimo na simulang napanood noong Hunyo 11 at naging number one kaagad sa Netflix hanggang sa kasalukuyan.

Sabi ni Ogie sa tsikahan nila ni Mama Loi sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YT channel, ”Magandang senyales ‘yan na malakas talaga ang ‘Trese,’ nag-number one sa Pilipinas. Kung walang dating si Liza hindi siya pag-uusapan. Siyempre ‘yung iba parang nakukulangan sa boses ni Liza, eh ganoon talaga boses ng babaeng palaban.”

Anong sagot ni Liza sa bashers niya?

“Wala naman, sabi ko lang we really cannot please everybody. Kahit na sino pa ang magboses diyan may masasabi at masasabi pa rin ang ibang tao.

“Ang importante hindi po kami ang nag-apply sa Netflix. Ang Netflix po ang lumapit kay Liza. Nagkabatuhan pa kami ng suggestions bago nag- yes si Liza,” paliwanag ng manager ng aktres.

Anyway, posibleng mapasama rin ang boyfriend ni Liza na si Enrique Gil dahil may naisip daw siyang role para sa aktor.

“I will give him Maliksi. I think Maliksi in my mind is Alexandra’s love interest (natawa ang dalaga), so I will give it to Quen,” masayang sabi ng dalaga at napanood na ito ng binata.

Samantala, nakatsikahan naman si Liza ng TV Patrol reporter na si MJ Felipe na inamin ng dalaga na may Kapre na nagkagusto sa kanya noong bata pa siya habang naglalaro malapit sa sementeryo sa probinsiya nilang Asingan, Pangasinan.

“We were going around there and then something happened to me like the succeeding days and one morning I woke up like a huge scratch on my thigh,” sabi ng aktres.

At dahil probinsiya at naniniwala sa albularyo kaya dinala siya ng ama at doon nalaman na, ”the diagnosis was there is a kapre on my window that has a crush on me and he was making me sick so I can stay at home all the time and see me from my window.”

Nabanggit ding may napansing kakaibang amoy ang dalaga sa kanyang kuwarto.

“Like I always smell cigarette on the area of my room. I don’t know anybody who smoke cigarettes around the house at that time so I think, he was probably the kapre,” kuwento ni Liza.

Pinayuhan ng albularyo ang magulang ni Liza na huwag isampay sa labas ng bahay nila ang undies nito.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …