Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sofia nang maging nanay — I’ve become a better person

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MALAKI ang nabago sa pagkatao ni Sofia Andres simula nang ipanganak niya si Zoe na may isang taon at kalahati na.

Sa virtual mediacon ng La Vida Lena ay naikuwento ng aktres na katuwang niya ang boyfriend na si Daniel Miranda sa pagpapalaki ng kanilang anak.

“Ang daming changes. Ang laki ng pagbabago ko as tao, as nanay, as partner. Nakita ko ‘yung sarili ko, parang I’ve become a better person and I’ so proud of myself.

“Lumaki ‘yung pag-unawa ko. Parang iba kapag nanay na eh. Nandoon ‘yung alaga sa anak. Hindi lang sa anak, sa ibang tao, masyadong motherly ang thinking, ganyan.”

Sa nasabing teleserye ay kontrabida ang karakter niya kaya natanong kung hindi ba siya nag-aalala na baka matatakan na siyag kontrabida for life.

Sagot niya hindi siya nag-aalala dahil dati naman na siyang gumaganap na kontrabida

Ang La Vida Lena ay pagbibidahan ni Erich Gonzales at makakasama rin sa cast sina Janice De Belen, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Christian Vasquez, Pen Medina, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Malou Crisologo, Josh Ivan Morales, Hasna Cabral, Danica Ontengco, at Renshi De Guzman.

Ang serye naman ay idinirehe nina Jojo Saguin, Andoy Ranay, at Jerry Lopez-Sineneng.

Mapapanood na ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas sa June 28.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …