Thursday , December 26 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

International flights papayagan na ng IATF-MEID

UNTI-UNTI nang dumarami ang mga international flights ngayon sa iba’t ibang paliparan sa buong Filipinas.
 
Indikasyon raw ito na nakatakdang bigyang daan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang pagbubukas ng turismo sa ating bansa.
 
Bagamat alam natin na malayo pa tayo sa tinatarget na 70 porsiyentong bakunado para sa herd immunity dumarami na raw ang panawagan na buksan ang tourist spots para sa foreign nationals na nananabik makabalik uli sa Filipinas.
 
“Hindi kaya POGO workers lang ang nananabik na makabalik?!”
 
Sa Laoag International Airport, ang huling biyahe nito ay noon pang 2017, binuksan na ulit para sa isang arrival flight mula Kuala Lumpur.
 
Tama ba ang inyong lingkod, Mr. Panotsky?
 
Sinasabing kasunod na nito ang flights na bubuksan para sa San Francisco at Los Angeles, USA.
 
Huwaw!
 
Sabagay, alam naman natin na maraming ‘GI’ o Genuine Ilocano riyan sa Ilocos.
 
Sana sa mga darating na araw ay ganito na rin sa Iloilo International Airport, Bohol-Panglao, Puerto Prinsesa at pati sa Kalibo International Airport!
 
Para naman hindi DMIA-Clark lang ang laging everyday happy?!
 
He he he…
 
 

IMMIGRATION OFFICER
NALUSUTAN
NG SPECIAL FLIGHT

 
TRENDING daw ang isang ‘kaeng-engan’ ng isang pabebeng (o pasaway?) Immigration Officer diyan sa NAIA Terminal 1 dahil natakasan ng isang special flight.
 
Hala?! Anong natakasan?
 
Duty raw noong araw na iyon si Miss Primary Officer at natokahang i-cover ang isang special flight na nakatakdang dumating at lumipad noong araw din na iyon.
 
Medyo hindi raw yata ‘feel’ ni Ms. IO ang ganoon klaseng trabaho pagdating sa special flight. Mahihiwalay raw kasi ito sa kanyang ‘beshies’ na madalas ay naglalamyerda o ‘di kaya ay nawawala kapag oras ng trabaho.
 
E ‘di ito na nga, medyo nagkaroon ng konting delay sa panig ng airline staff dahil maproseso nga ang special flight.
 
At dahil maikli rin ang pasensiya ni ‘Ate Girl’ at aligagang baka hindi siya makapag-cope-up sa mga ‘gallivantings’ nila ng kanyang tropa kaya biglang nilayasan ang trabaho na dapat ay nakatoka sa kanya?!
 
Anak ng tokwa!
 
Resulta: Here comes the Duty Immigration Supervisor na hinahanap ang ‘general declaration’ ng nasabing special flight. Maging ang report ni Ate Girl IO kung ano ang resulta ng pag-cover niya sa special flight?!
 
Her answer: “NGANGA!”
 
Wattafak!
 
Dito na napag-alamang nag-fly away ang special flight na hindi man lang na-inspect ni IO Ate Girl kung ano ang karga at laman-loob ng naturang eroplano.
 
Baka naman kasi nag-malling pa si Ate Girl at bumili sa Starbucks para medyo sosyal ang dating habang nasa special flight?
 
 
Ewan lang natin kung natimbrehan ba sa pangyayaring ito si Port Operations Division Chief Atty. Caloy Capulong.
 
By the way, sa mga magtatanong kung sino ba si ‘IO Ate Girl’ na involved sa pangyayari?
 
Well, itago na lang natin siya sa alyas na si IO PPP or si “Pabebeng Pop Princess!”
 
‘Yun na!
 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *