Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Duterte Willie Revillame

Willie ayaw tantanan ni Pangulong Digong

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


NAGSABI
na rati si Wowowin host, Willie Revillame na wala siyang planong pasukin ang politika at nakatutulong naman siya kahit wala siyang puwesto sa gobyerno.

Pero mukhang mahihirapan siyang tumanggi ngayon dahil hindi siya tinatantanan ni Presidente Rodrigo Duterte na tumakbong Senador base na rin ito sa pahayag kay Willie noong nagkausap sila sa telepono at nasa gitna si Senador Bong Go.

Marami kasing natutulungan si Willie na kababayang Pinoy at ito ang gusto ni Presidente Duterte na ipagpatuloy ng TV host ang pagtulong sa taumbayan kaya kailangan niya ng kaagapay para gawin ito at ang pagkandidato sa 2022 ang sagot.

Sabi ni Presidente Duterte sa video message niya, ”Willie, si mayor ‘to. Kumusta ka? Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka.”

Hindi rin kaila sa pangulo na nahihirapang mag-isip si Willie dahil nga wala naman siyang interes sa politika.

”Pero ganoon pa man open ang slot until the last minute. Kung ayaw mo na talaga eh, ‘di pwede na tayo mag-usap ulit,” say ng pangulong Duterte.

Dagdag pa, ”Bilib ako sa appeal mo sa masa.”

May tinanungan naman kaming taong malapit kay Willie kung ano na ang nabuo nitong plano sa panliligaw ni Pangulong Duterte sa kanya.

“Naku, wala pa siyang maisagot. Nasusuka na nga raw siya sa kaiisip, ha, haha,” tumawang sagot sa amin.

Anyway, wait na lang natin kung ano ang final answer ni Willie sa mga susunod na araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …