Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dinky Doo sapat na ang makatulong

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

DAHIL na rin sa pandemya, saglit na nagpahinga sa shoot niya ng sinimulang TV series ang komedyanteng si Dinky Doo.

Kaya pahinga muna ang nakadalawang episode ng Pamilya Labu-Labo niya.

Ang pahinga mula sa harap ng kamera ay napalitan naman ng pagiging abala sa pag-akay sa mga may kagustuhan din namang maging bahagi ng kanilang MGCI (Members Church of God International), ni Ka Daniel Razon.

Dito siya naging espiritwal na gabay nina FAP Chairman Vivian Velez, singer Miguel Vera, at komedyanteng si Dennis Padilla.

At isa sa mga araw na ito, makikita na natin siyang umaarangkada sa kanyang iho-host na Bidang Bida show.

Iikot ang kanyang coaster para pumili ng mga mahahatiran ng tulong sa ating mga kababayan. Tulad sa mga naghahatid ng serbisyo at tulong sa mga kababayan natin sa buong bansa, ‘yan ang magiging papel ni Dinky sa kauna-unahang palabas niya sa UNTV.

Sa kanyang mga adbokasiya gaya ng DAD (Durugin Ang Droga) at pagiging Ambassador of Goodwill, sa mga tanong kung naghahanda na ba siyang maging isang politiko, ang tanging sagot ni Dinky ay, ”Ang Diyos ang magdadala sa akin kung saan ako dapat na italaga. Kung nakatutulong na ako sa mga gawain ko ngayon, sapat na ‘yun!”

Maging taga-akay, maging taga-tulong, para ang taumbayan ang maging bidang bida. Soon!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …