Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel nanawagan ng suporta para sa UPIS

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MAGTATAPOS na ang pasukan sa pampublikong paaralan ngayong Hulyo at panibagong problema na naman ang kakaharapin ng mga mag aaral sa University of of the Philippines Integrated School o UPIS para sa elementarya at high school.

Isa ang direktor na si Frasco Mortiz sa nanawagan ng tulong para makalikom ng pondo para makabili ng tablet at pang internet kapalit ng ibinebentang maroon shirt, facemask, at tote bag na may slogan na, ‘UPIS THE BEST.’

Isa ang aktres na si Angel Locsin sa bumili ng shirt at facemask na ipinost sa kanyang IG account. Hinihikayat din niya ang lahat na tulungan ang nasabing eskuwelahan.

Ang caption ng aktres sa post niya, ”Supporting my friend @frascomortz and UPIS fundraising effort to help underprivileged students from UPIS who are struggling with the costs of home-based learning.

“You may visit upisthebest.com to donate or buy merch.

“@upis_the_best.”

Nagpasalamat si direk Frasco sa aktres, ”Thank you so much @therealangellocsin.”

”@frascomortz no problem direk,” sagot naman ng dalaga.

Umabot na sa mahigit 16k ang nag-like sa post na ito ni Angel at maraming netizens at celebrities ang nangako ng suporta at bibili rin ng merchandise goods.

Sinilip namin ang IG account ng @ upis_the_best, ”Mahirap ang home-based learning, lalo na kung hindi makabili ng tablet, o makabayad ng internet. But students and teachers at UPIS faced with these struggles are fighting to make it work. Let’s help them. Visit https://tinyurl.com/upisgoal to find out how.

”As a state school, UPIS has limited options to raise funds to support the needs of its students during these difficult times.

“Alam naman natin na hindi lahat ng estudyante sa UPIS kaya ang gastos ng home-based learning. Sa P600 na donation, malaking tulong na sa pangangailangan nila ngayon. Visit upisthebest.com to donate today.”

Sabi nga nila, ang kabataan ang pag-asa ng bayan sana matulungan din ang mga taga-UPIS lalo na ang mga nakaupo sa gobyerno na karamihan sa inyo ay naging Iska at Isko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …