Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC nagprisintang mag-host ng Miss Universe

DEADMA si Olivia CulpoMiss Universe  2012 sa Pinoy fans bilang co-host ng American actor na si Mario Lopez sa katatapos na 69th Miss Universe sa Florida, USA.

Nahuhuli kasi ng TV camera na nakatulala si Olivia at ‘pag nagsasalita ay walang energy kaya talagang ginawan siya ng meme. Maging kay Mario ay hindi rin kuntento ang Pinoy sa hosting kaya pinababalik na si Steve Harvey sa susunod na Miss U.

Samantala, nag-tweet naman si KC Concepcion na type niyang mag-host ng Miss Universe na marami ang nagkagusto.

Tweet ng dalaga, ”Ano kaya kung makapag host din ako ng #MissUniverse? Ang saya siguro no? Naka ready na naman ang custom made 8-inch heels ko na pinagawa ko for the 2 times na nag-pageant host ako for BINIBINING PILIPINAS.”

Ang daming sumagot kay KC na siya na lang kaysa kay Olivia, ”you do a better job than Mario Lopez and Olivia Culpo.

“Go KC you’re a lot better than Olivia wala siyang kalatoy-latoy.”

Samantala, isa rin ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na nagpahayag na suportado kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Aniya, ”Mabuhay ang Filipina! Keep shining, Rabiya! Keep shining bright, Rabiya! Sending you all our love! #MissUniverse.”

At dahil hindi nasungkit ni Rabiya ang ikalimang korona bilang Miss Universe , may mga nabasa si KC ng salitang ‘failed’ bagay na ikinalungkot niya.

“Nasasad ako pag sinabing a beauty queen ‘failed’ to reach top spots sa competition.

“A beauty queen still ‘achieves’ so many dreams on her #MissUniverse journey! Why not highlight achievements rather than failures?” pahayag ng dalaga.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …