Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica humihingi ng panalangin sa inang 3 araw ng nasa ICU

KASALUKUYANG nasa Intensive Care Unit ng San Pablo District Hospital ang Mommy Beth Jones ng Board member ng 3rd District ng Sanggunian Panlalawigan of Laguna na si Angelica Jones Alarva o mas kilala bilang Angelica Jones base sa naka-post sa kanyang Facebook account dahil nag-positibo ito sa Covid19.

Ayon sa FB post ni Angelica, ”Humihingi po ako ng paumanhin . 14 days muna di ko masasagot mga txt or call. Sa mga constituents ko po you can coordinate with my sec Hazel sa Sta Cruz Office.

“Pansamantala sarado ang aking bahay. HINIHILING KO PO IPANALANGIN NYO ANG AKING INA si Mama Beth maka-survive 3days na nasa ICU (intubated). At Kami ng anak ko si Angelo Patuloy lumalaban at patuloy nanalangin gumaling na po kami.

“PLEASE PRAY FOR MY MOM, MY SON AND ME (emoji praying).

“Nanalig po kami sayo Panginoon ililigtas nyo po kami sa sakit ng Pandemic Covid19.

“We trust you Lord and I love u. Amen

“Bawat Pamilya Mahalaga (emoji praying, heart). Prayers Can Move Mountains.”

Sunod na post nito ay pinasalamatan nIya ang kanyang karelasyon na kapwa board member din na si Jojo Matias sa mga bulaklak at prutas na ipinadala sa kuwarto nila na makikitang naka-dextrose at naka-oxygen siya.

“Thank you to Baby Bm Jojo Matias for the Flowers and Fruits for Me , My Mom and Angelo.

“Thank you to my brothers kuya Arvin , Jeffrey and my Family also drivers. Me , my mom and Angelo are Positive of Covid 19.

“Humihingi kami po ng inyong Patuloy na dasal malampasan namin itong Pagsubok.

“PLEASE PRAY FOR MY MOM Beth Jones NASA ICU po s’ya .She had pneumonia and Covid 19.

“Please really need your Prayer. I had asthma , Pneumonia and Covid nanalig ako sa Panginoon po di n’ya kami pababayaan. IN JESUS NAME.  GOD WILL HEAL ME AND MY FAMILY.”

Nag-post naman ng video ang karelasyon ni Angelica na si BM Jojo ng mga masasayang alaala nila.

Ang caption ay, ”Get well soon Baby Angelica Jones Alarva (emoji praying) Palakas ka, many more-happy memories to come. I love you. Ulit-ulitin mo panoorin ito. (emoji 3 hearts).”

Taimtim na panalangin din para sa mang-iinang Mommy Beth, Angelica, at Angelo mula sa Hataw family.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …