Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marissa wapakels sa mga naninira —‘Di sila ang magbabayad ng Meralco at upa sa bahay

PANSAMANTALA lang naman pala ang pagkawala ng karakter niya sa  FPJs Ang Probinsyano.

Ayon kay Marissa Sanchez, pinababalik na siya ni Coco Martin para makasama na sa susunod na locked-in o bubble taping nila sa kanilang next location.

Ang siste? Nasa Amerika pa ngayon si Marissa. Nakalarga bago pa man ang malawakang pag-lock down sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Kaya pala sa nasabing serye, ang huling eksena niya ay ‘yung may dadalawin muna siyang kamag-anak sa kung saan at iniwan ang asawa (portrayed by Eric Nicolas) sa piling ng mga kinanlong na Task Force Agila sa pamumuno ng asawa ng pamangkin niyang si Alyanna (Yassi Pressman) na si Cardo Dalisay (Coco).

Ano naman ang ganap niya sa Amerika? At naiwan ang kanyang negosyo ng pagluluto?

“Pina­babalik nga ako ni Coco kasi nag-promise akong uuwi ng March. Eh, nag-lockdown. 

“Nagpaalam ako sa kanya. The original plan was ihahatid ko lang dapat ang anak ko rito sa US. Eh, naipit-ipit ako rito. Hindi na ako nakauwi. Pero tourist lang visa ko, The.”

Noong narito si Marissa at magsimula ang pandemya, nagamit naman niya ang kaalaman sa pagluluto. Madalas nga niyang dalhan ang buong cast and production ng kanyang mga lutong bahay. Kaso, hindi talaga mawawala ang mga intrigera at inggitero sa kanyang mga ginagawa. May mga nanira pa sa luto niya.

“Naku, inumpisahan ko na ung paluto ulam online ko now. Kasi wala ako riyan. Dito kaht 1 dollar Ate… Ang hirap ng walang trabaho…

“Uuwi kami sabay sa June ng anak ko. Maluwag noong December Ate, eh.”

Habang nasa Amerika, makikipagkita rin si Marissa sa isa sa mga sumuporta sa kanya noong panahon ng pandemya, ang may-ari ng RBiel’s Bistro na si Dom Villaruel.

Sa Amerika nakabase si Dom pero sa panahon ng pandemya, sumulong pa rin ang kanyang business dahil nagkaroon pa rin sila ng delivery and take out services sa kanilang masasarap na mga pagkain sa menu. Na siya uling nangyayari ngayon, matapos na manumbalik na ang dine-in sa nasabing establisimyento.

“Oo, Ate. Sabi ni Sir Dom pupuntahan daw niya ko one of these days. Ang laki rin ng naging suporta niya, hindi lang sa akin kundi sa iba pang mga taong tinulungan niya.”

Sandali na lang at uuwi na si Marissa. In the meantime umaandar ang online paluto niya here at sa Amerika, ha!

Order lang sa kanyang FB page. At sa RBiel’s Bistro naman pick up your orders at  18B Congressional Ave Quezon City. For curbside pick-up and delivery orders, you may reach us at 09664637991/­09087528559.

www.rbielsbistro.com

At para naman sa patuloy na naninira kay Marissa sa kanyang mga luto, “’Di naman mawawala ‘yun!

“Kelangan wapakels ka na lang Ate… Hindi sila ang magbabayad ng MERALCO ko at upa sa bahay. Tuloy ang buhay te! e&þ”

POSITIVITY amidst the NEGATIVITY!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …