Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dito at Doon posibleng magka-sequel

DAHIL sa magagandang rebyu ng pelikulang Dito at Doon nina JC Santos at Janine Gutierrez kasama sina Victor Anastacio, Yesh Burce, at Lotlot de Leon sa online, marami ang nagtatanong kung kailan ito mapapanood sa ibang bansa lalo na ang mga kakilala naming doon na naka-base

Wala pa kasing global release ang Dito at Doon na napapanood ngayon sa Pilipinas sa limang major online streaming platforms tulad ng KTX.ph, Cinema ’76 @ Home, iWant TFC, Upstream, at Ticket2Me.

Ang pelikulang Dito at Doon ay exceeded sa expectation ng TBA sa rates at sa impact ng film sa mga nakapag-review at nakapanood. Ang sales ay base sa Pilipinas pa lang, dahil dito pa lang ito nai-rerelease. Ito ang unang local film na simultaneously nag-play sa five major online streaming platforms.

At dahil marami ang nabitin sa ending ng Dito at Doon, marami ang naghahanap ng part 2 o sequel kaya biruan sa nakaraang zoom mediacon noong Marso 29, may part two nga raw at Cebu version dahil tagaroon ang karakter ni JC bilang si Caloy.

Hmm, oo nga, posible nga bang sundan ni Len (Janine) si Caloy sa Cebu pagkatapos ng Covid-19 pandemic? At may idadagdag bang karakter si Direk JP Habac sa sequel?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …