Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Isko umapela sa DOH para sa bakuna ng barangay officials, tanod, at ordinary workers

UMAPELA si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Department of Health (DOH) na payagan ang vaccination program para sa ibang kategorya sa lungsod ng Maynila.

Ang apela ay naglala­yong mapalawak ang sakop ng pagba­bakuna kabilang ang mga opisyal ng barangay, tanod, at maging ang mga ordi­naryong manggagawa na nagsisilbing frontliners sa panahon ng pandemya.

Sa live broadcast ng alkalde , handa ang lungsod na umabante sa para sa susunod na antas upang matugunan ang minimun requirement ng mga indibidwal na sumailalim sa bakuna kabilang ang A3 category ng mga taong nasa edad 18-59 anyos at may comorbidities.

Napagalaman, ang Manila Health Department (MHD) ni  Dr. Arnold “Poks” Pangan ang nangu­ngunang tanggapan sa vaccination program sa ilalim ng superbisyon ni Vice Mayor Honey Lacuna na nangangasiwa ng health cluster ng lungsod,  ang siyang nagpasa ng nasabing application at certification sa DOH.

Sinabi ni Isko, sakop ng vaccination program ng lungsod ang may 110 percent required number, na nakapagbakuna ng mahigit sa 21,000 katao, at higit na mataas sa 100 percent na inire-require na umaabot lamang sa 19,000.

Sa sandaling payagan ng DOH ang kanyang kahilingan, maaari nang magsimula ang lungsod sa A4, ang kasunod na kategorya sa priority list na itinakda ng national government.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Black smoke

Maingay, maamoy
SUSPENSIYON VS PERMIT NG TIME CERAMIC HILING NG MGA RESIDENTE

SAN PASCUAL, Batangas — Nanawagan ang mga residente ng Brgy. San Teodoro laban sa Time …

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

PBBM impeachment Makabayan bloc

Ikalawang impeachment vs PBBM inihain ng Makabayan bloc

ni Gerry Baldo ISINUMITE ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa …

BARMM BTA BEC rally protest

Amyenda sa BARMM Poll Code:
DAGOK SA KABABAIHAN, BANTA SA HALALAN

ni TEDDY BRUL UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link