Monday , December 23 2024

Serye- exclusive: Brazil, safe haven ng pamilya Villamin

ni ROSE NOVENARIO

LIBO-LIBONG investors, karamihan ay overseas Filipino workers (OFWs) ang naghihintay hanggang ngayon sa ipinangakong return on investment (ROI) o pagbabalik ng inilagak nilang puhunan sa agribusiness ng DV Boer Farm Inc., ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin.

Lalong nabahala ang investors sa magiging kapalaran ng bilyon-bilyong pisong nakuha sa kanilang puhunan mula nang kompirmahin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nahaharap sa mga syndicated estafa cases at ilan pang reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) si Dexter bunsod ng Ponzi scheme ng DV Boer.

“Paano pa namin mababawi ang aming pinaghirapang pera matapos magbuhay royal family ang mga Villamin?” pangamba ng investors ng DV Boer.

Kung nagpaalila sa ibang bansa ang investors na OFWs ng DV Boer, namuhay na mistulang hari ang pinaglagakan nila ng mga inipong pera.

Sakay ng chopper si Dexter kapag binibisita ang mga farm.

Bukod sa pagsakay sa helicopter, namakyaw si Dexter ng magagarang sasakyan, ang tatlo rito’y bullet-proof, namili ng mga mansion sa Ayala, Alabang at Versailles.

Nakapagpundar din si Dexter ng sabungan, studio animation, tatlong yate, at nagtayo ng sariling clothing business.

Nagtapon din ng malaking pera sa mga sabungan at casino, at nag-sponsor ng beauty pageant.

Batay sa nakalap na datos ng HATAW, ang mga magulang ni Dexter na sina Soliman Sr., at Joselyn ay nakabase na sa Brazil mula pa noong Nobyembre 2019.

Siyam ang anak ng mag-asawang Soliman Sr., at Joselyn, sina Carlo, Dexter, Jack, Precious, Ferdinand, Percival, Manylyn, Eric, at Ulysses.

Bawat isa sa kanila’y humahawak ng mataas na posisyon sa DV Boer at iba pang mga kompanyang affiliated dito gaya ng DV Boer Microfinance, Magsasaka Inc., DV Boer Security, DV Boer Garments, at Sharebate.

Naninirahan din umano sa Brazil sina Carlo at asawang si Melanie, at Ulysses.

Naging malapit umano sa isang religious personality si Ulysses kaya’t nakarating sa Brazil at sumunod sa kanya ang mga magu­lang, kapatid, at hipag.

Isa ang Brazil sa mga bansa na walang umiiral na extradition treaty ang Filipinas.

(May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *