HINDI pala lumalabas ng bahay si Aiko Melendez, maging ang mga anak niya ay talagang stay at home lang pati mga kasama nila sa bahay at puro pa-deliver lang sila na iiwan sa labas ng bahay na may upuan at saka nila kukunin.
Hindi pa rin nawawala ang trauma nilang pamilya sa nangyari sa stepdad niyang si Dan Castaneda na namatay dahil sa Covid19 kaya kapag may naririnig siyang sirena ay hindi nawawala ang kabog sa dibdib niya.
“Hearing all the sirens outside our house (emoji praying). Ang dami me sakit po ,Lord be with them in these trying times. Lord bless their hearts to never lose that Hope and Faith. I AM speaking from someone who lost a special loved one from COVID-19. Traumatic, and hearing again a friend going through the same ordeal makes me wonder will these all still end? Yes, I believe Our Lord will come and rescue us. Be safe guys!!! Me awa ang Diyos and it’s just him who we can turn to,” post ng aktres sa kanyang FB page.
At dahil ramdam na naman ng aktres ang nararanasang hirap ng mga ka-barangay niya sa muling paghihigpit ngayon ng pamahalaan dahil sa pagtaas ng Covid cases ay nagpadala siya ng kaunting tulong sa mga hindi makapasok ng trabaho dahil dito.
Nakita namin ang post ni Aiko na nagpasalamat siya sa tumulong sa kanya para maipahatid ang mga tulong para sa mga ka-barangay niya.
“Maraming salamat po kay Capt. RUEL MARPA at sa lahat ng opisyales ng Brgy. Sta Lucia District 5 Quezon City na tumulong sa Pag Assist Sa amin para maihatid ang aming munting tulong sa mga na lockdown pag pasensyahan n’yo napo ang nakayanan ko po at ‘wag po kayo pang hihinaan ng loob.
“Sa mga nangyari at Lagi ko po pinag darasal na sana malagpasan natin ng maayos at ligtas ang pagsubok na dumarating Sa atin. Hindi po matatawaran ang katapangan at katatagan ng loob nating mga taga Quezon City lalo na dito sa atin Sa District 5. Kaya sumunod lang po tayo Sa Health protocol ng ating pamahalaan dahil para rin po ito Sa ating kaligtasan. Stay safe God bless (emojie praying).”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan