Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klarisse at Jhong lamang na sa mga katunggali sa YFSF 

MALAKING tulong ang mga programang napapanood ngayon sa telebisyon at online sa panahon ng pandemya dahil kahit paano ay naiibsan ang lungkot at takot na nararamdaman ng mga kababayan natin.

Maraming napapangiti o napapahalakhak pa kapag nanonood sila ng katatawanan, nakararamdam naman ng pag-asa ang iba kapag nakakapanood ng reality show o contest na puwede ring salihan at manalo. ‘Yung iba naman ay naaaliw sa mga idolo nila.

Anyway, wagi uli bilang weekly winner ng Your Face Sounds Familiar Season 3 si Klarisse De Guzman noong Linggo (Marso 21) matapos lumabas at umawit bilang si Minnie Riperton.

Hinakot ng Soul Diva ang pinakamataas na puntos mula sa mga jury na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta at maging ang boto ng ilang kapwa celebrity performer sa pagkanta niya ng klasikong awiting Lovin’ You.

Nakakuha ng 30 kabuuang puntos si Klarisse, sapat upang maungusan si CJ Navato, na pinuri rin sa kanyang paggaya sa babaeng rock icon na si Alanis Morissette.

Sa loob ng limang linggo, tatatlo pa lamang sa celebrity performers ang nagwawagi bilang weekly winner ng hit Kapamilya musical variety competition. Dalawang beses na nakuha nina Klarisse at Jhong Hilario ang premyong P50,000 para sa weekly winner, habang nakaisang panalo na rin ang viral crooner na si CJ.

Magpapatuloy naman ang nakabibilib na transformation at performances sa darating na weekend sa bagong mga gagayahin ng celebrity performers sa tulong ng kanilang mentors na sina Nyoy Volante at Jed Madela.

Napunta kay Klarisse si Mariah Carey, kay CJ si Barry Manilow, kay Christian Bables si Michael Jackson, at kay Jhong naman si Bob Marley. Kaabang-abang din ang paglabas ni Geneva Cruz bilang Freddie Aguilar, ng iDolls bilang Boyz 2 Men, ni Lie Reposposa bilang Lolita Carbon, at ni Vivoree Esclito bilang Rihanna.

Alamin din kung ano ang bagong hamon ang ibibigay ng host na si Luis Manzano sa jury at celebrity performers at ang kanyang masayang kuwentuhan kasama ang ilan sa virtual audience ng programa.

Mapapanood ang Your Face Sounds Familiar Season 3 tuwing Sabado, 8:00 p.m. at Linggo 7:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Panoorin din ang KaFamiliar Online Live show nina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Kapamilya Online Live tuwing commercial breaks.

Para sa nakaraang perfomances pumunta sa official YouTube channel ng “Your Face Sounds Familiar” o sa iWantTFC. I-follow ang @YourFacePH para sa updates sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …