Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rochelle at Arthur 1 linggong ‘di nagpansinan

KINUMUSTA namin kay Rochelle Pangilinan kung paano sila nagko-cope up ng mister niyang si Arthur Solinap at ang two-year old daughter nilang si Shiloh Jayne ngayong panahon ng pandemya?

“Siguro sa pag-aalaga, pakikipag-bonding, at pakikipaglaro pa lang kay Shiloh ay nauubos na ang oras namin sa isang araw. Magkahati kami sa oras para may time makapag-workout ang bawat isa at pagdating ng hapon, may meryenda bonding kami sa garahe,” kuwento ni Rochelle.

Madalas ay nasa taping si Arthur ng Pepito Manaloto, paano ang arrangement nilang mag-asawa?

“Kung nasa trabaho siya dapat may update lagi sa bawat isa or video call.”

Sino ang mas seloso sa kanila ni Arthur?

“Siya! Pero pareho lang yata kaming seloso at selosa,” bawi ni Rochelle.

Ano na ang pinakamatinding pinag-awayan nila?

“Mga misunderstanding at hindi nagpapatalo sa isa’t isa. 

“Pride at ego siguro. Kaya may isang linggo kaming hindi nagpansinan,” pag-amin ng dancer/actress.

Sa Magpakailanman nitong Sabado ay napanood sa GMA ang kuwento ng isang lalaking may limang asawa sa Isang Mister, Lima Ang Misis episode. Nagsiganap sa nabanggit na epiode sina Rochelle, Jay Manalo, Ina Feleo, Wynwin Marquez, Barbara Miguel, Will Ashley, Kyle Ocampo, Ana Capri, at Stephanie Sol, mula sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Kung siya ang nasa lugar ng isang babae na kinaliwa ng mister, ano ang gagawin ni Rochelle?  Pakikisamahan pa rin ba niya ang kanyang asawa?

“Mahirap yan,” umpisang bulalas ni Rochelle. ”Sa naalala ko sa kuwentong ito, parang hindi ko kakayaning pakisamahan pa ang asawa ko sa dami ng naging babae niya.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …