Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gardo no-no pa rin sa politika

DAHIL isang politiko ang papel ni Gardo Versoza sa top-rating GMA series na First Yaya bilang si Speaker of the House Luis Prado, tinanong namin ang actor kung wala ba siyang planong tumakbo sa eleksiyon sa susunod na taon.

Dati na namin itong itinanong kay Gardo at tulad ng sagot niya dati, ayaw niyang tumakbo sa anumang puwesto kahit may mga humihikayat sa kanya,

“Hindi ako talaga … parang masaya na ako na, like roon sa bike group namin kahit nag-aambag-ambagan lang, may natutulungan kayo, kaysa ‘yung parang, kumbaga maraming mga eksplanasyon,” paliwanag ni Gardo.

Paano naman kapag may mga politico o presidentiable candidates na lalapit sa kanya para iendoso o ikampanya niya sa pamamagitan ng sikat at viral na Tiktok account ni Gardo, papayag ba siya?

“Alam n’yo ‘yung sa ngayon, para kasing siguro kung mapapayag man, parang mayroon din akong paglalaanan kung sakali, eh. Kasi like parang in the past medyo hindi ako gaanong ano kasi nga mahirap dahil parang, ‘di ba ‘pag may sinuportahan ka kailangan talagang buong-buo ‘yung pagkabilib mo sa kanya, eh.

“So sa ngayon parang if ever man na kung may lumapit, and then parang magkasundo kayo, parang automatic ‘yun, like kung hindi man parang institusyon na ano, may mapupuntahan kaagad kumbaga ‘yung ano kung sakali.”

Kung ‘if the price is right?’

“Oo parang sa nga­yon kasi wala na eh, kum­baga, parang sa ayaw mo’t sa gusto, hindi mo na basta-basta mababago ‘yung sistema, ‘di ba?”

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …