Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, naka-7 shooting days sa movie nila ni Sharon Cuneta sa Subic

Pagbalik galing Subic para sa shooting ng “Revirginized” na comeback movie ni Sharon Cuneta sa Viva Films na kasama siya, agad raw ikinuwento ni Marion Aunor sa kanyang Mom Maribel ang nangyari sa kanilang shooting.

Hanggang ngayon ay hindi maka-get over ang magandang singer-actress sa magandang experience niya working with our megastar na sobrang bait raw sa kanya at sa buong cast at production.

Hanga rin si Marion sa professionalism ni Sharon na wala raw ka-ere ere sa katawan at very down-to-earth raw.

Yes kinakausap talaga sila ni mega kaya naging feel at home sila during their shooting. Ang wish ni Marion, sana ay hindi ito ang huling project na makatrabaho niya si Sharon kasi sobrang touched siya sa naging gesture nito na ipinagmalaki pa ang kanyang composition na ginawa noong 2018 — ang Lantern na kasama sa Megastar album nito.

Kinanta pa ni Shawie ang ilang lines nito sa harap ni Marion kaharap ang ibang co-actors. Proud din si Marion na makatrabaho sa movie sina Marco Gumabao, Albert Martinez, Rosanna Roces, etc.

Pagdating naman sa kanilang director na si Darryl Yap, sobrang napabilib si Marion sa husay nito at pagiging supportive rin sa kanya na nag-request na siya ang gusto niyang kumanta ng theme song ng Revirginized at excited na siyang i-compose ito.

Bale naka-7 shooting days ang nasabing VAA artist sa film nilang ito at na-enjoy niya ang kanilang lock-in shoot sa Subic. Comedy-drama raw ang tema ng Revirginized.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …