Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lotlot de leon

Lotlot matagal nang ina sa mga kapatid

SILAB ang pelikulang  magtatampok sa mga  bagong iidolohing artists ng 3:16 Media Network ni Len Carillo na sina Cloe Barreto at Marco Gomez.

Kasama sa pelikula si Jason Abalos na bubuo sa triyanggulo nila. At mga batikang aktres ang kinuha ni direk Joel Lamangan para suportahan ang mga baguhan sa katauhan nina Chanda Romero at Lotlot de Leon.

Nakaku­wentuhan ko si Balotsky sa pictorial ng cast kasama si direk Joel sa studio ni Edward dela Cuesta.

Iisa lang naman ang nagiging paksa namin sa tuwi kaming magkakausap. Pamilya. At inalam ko pa rin ang tunay na pangyayari sa masaya sanang selebrasyon ng kaarawan ng kapatid na si Ian (de Leon).

Kung ang isa pang ibig sabihin ng Silab ang gagamitin, siguradong mag-aapoy at bubuga ng sobrang galit si Balotsky sa nangyari sa kapatid. Dahil na-bash ito ng bonggang-bongga sa sari-saring opinyon ng mga wala namang kinalaman sa ginawang isyu.

“Naka­kasama lang ng loob kasi pinasama naman niyong mga nagsulat ang kapatid ko. Na wala naman silang alam kung bakit ganoon ang nangyari. Ikaw, alam mo na ang sitwasyon ng pamilya namin. May mga bagay na dapat talaga iniintindi na lang. Hindi na ipinipilit ‘di ba? Naawa lang ako sa kapatid ko.”

Kinausap naman ni Balot ang ilan sa sumulat at pinagsabihan. Na dapat inaalam muna nila ang mga tunay na dahilan kung bakit ang isang bagay ay humahantong sa hindi rin naman nila kagustuhan.

Sa ngayon, isang happy wife sa kanyang happy life si Balotsky. Na natutuwa na rin sa mga pinupuntahan ng kanyang mga anak.

“Happy din naman ako kasi naging responsable na sila. At desidido na sa mga gusto nilang gawin.  Ako naman every now and then, nabibiyayaan pa rin ng mga taping at shooting. Nasasanay na sa bagong ikot ng mundo.

“Rito sa ‘Silab,’ bagong sibol na naman ng mga artista ang naka-trabaho ko. Nakita ko kung gaano sila kadesidido sa lahat ng mga ipinagawa ni direk Joel sa kanila. First day pa lang, alam mo ‘yung nasa set sila na in character na. Alam na ang mga linya at mga gagawin.  Kaya, hindi kami nahirapan working with them.”

Napapanood si Balotsky sa Walang Hanggang Paalam bilang ina ni Angelica Panganiban sa Kapamilya. At dito sa Silab isang ina pa rin ang kanyang ginagampanan.

Paano nga ba ang maging isang ina sa isang dakilang gaya niya?

“Wala pa man akong naging asawa, naging ina na ako sa lahat ng mga kapatid ko. Alam niyo naman ‘yan. Kaya natutuwa na lang ako kapag nakaririnig ako ng mga salita, congratulating me kasi job well done raw na lumaki silang maayos. Kami naman ang magkakasama during those times.  Sa mga anak ko, ganoon din. Kaya, ako masaya ang puso ko. Kaya kapag may isang nasaktan o sinaktan sa kanila, sumasakit syempre ang kalooban ko. At bilang anak, wala pa ring tatalo sa pagmamahal naming lahat sa aming ina. At alam niya ‘yan.”

Tama naman. Basta nga huwag o wala lang magkontrabida!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …