Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian aminadong may kilig pa kay Kim

NAIKUWENTO ni Xian Lim sa ilang miyembro ng media at bloggers na hanggang ngayon ay wala pa ring resulta ang imbestigasyon ng pagnanakaw sa bahay niya.

Noong Enero pa nangyari ang pagnanakaw at hanggang ngayon ay hindi pa rin tukoy kung sino ang mga nanloob.

“Ganoon ‘yung proseso, I guess you just file na ganito ‘yung nangyari, ganoon na lang. Wala, eh. You can’t take it further na parang ano bang next steps, wala na. Parang magpapagod ka ba para hanapin ‘yung mga tao na medyo mahirap na hanapin? So ‘yun. I think it’s a matter of not letting it happen again on my part,” kuwento ng aktor.

Nabanggit na dahil sa mga pa-house tour ng mga artista na napapanood ito ng lahat kaya may idea ang magnanakaw kung paano at saan papasukin ang bahay.

Pero hindi ito tanggap ng aktor, ”Hindi pwedeng mabaling ang kasalanan doon sa victim, eh. ‘Di ba? Ang puno’t dulo niyan is hindi tamang magnakaw. So, I think vloggers are gonna do what vloggers have to do. So, hindi siya mali para sa akin. I don’t think dapat mag-hold back ang isang creative na tao kung gusto nilang ipakita ‘yung bahay nila.”

Samantala, ilang taon ng magkasintahan sina Xian at Kim Chiu pero wala pa silang planong dalhin ito sa next level dahil marami pa silang plano sa buhay lalo na sa career nila kaya natanong kung nandoon pa rin ang kilig na naramdaman ng binata noong bago palang sila.

“Oo naman. Syempre. Lagi ko ngang sinasabi na sa isang relationship, dapat every single day, you work on it. Bawal makapante sa isang relationship,” pahayag ng aktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …