Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

FDCP Chair Liza, proud sa pagdami ng actors at movies na nananalo sa international filmfest

GAGANAPIN ang annual Film Ambassador’s Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Feb. 28, Sunday, 8pm. Ito’y mapapanood via live streaming sa FDCP Channel.

Ang ilan sa 60 honorees ay sina Dingdong Dantes, Angel Locsin, Alden Richards, Arjo Atayde, Cristine Reyes, Ruby Ruiz, Elijah Canlas, Louise Abuel, Lovi Poe, Allen Dizon, Isabel Sandoval, Cherie Gil, Alfred Vargas, Angel Aquino, Ronwaldo Martin, at iba pa.

Ang FAN ay isinasagawa ng FDCP upang magbigay pugay sa galing at creativity ng Filipino film industry, mga artista, filmmakers, at mga nakakuha ng parangal sa established international film festivals at award-giving bodies sa nakalipas na taon.

Nagpasalamat si Chair Liza sa mga filmmaker na nakapag-uwi ng international victories at nagbigay ng pride and honor sa ating bansa.

Wika niya, “Through Film Ambassadors’ Night ay mabibigyan natin ng appreciation ang film producers na nagbigay ng karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng internationally acclaimed and award winning films na ipinakita natin sa buong mundo.”

Ito ang unang major event ng taon ng FDCP kaya talagang pinaghahandaan nila ito ayon kay Chair Liza.

Esplika ng masipag na FDCP chair, “Talagang pinaghandaan po namin ito para maging espesyal ang event for our honorees. Ito po ang unang major event ng FDCP for 2021, so let’s all unite. I-celebrate po natin ang mga magandang nangyari sa 2020 sa kabila ng pandemya.

“Nakaka-proud lang na nakakita kami ng increase sa mga actors and movies na nananalo sa international film festivals. Dati paisa-isa, ngayon marami na ang nananalo.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …