Friday , April 25 2025
shabu drug arrest

Obrero kulong sa P272K droga

SHOOT sa kulungan ang isang 52-anyos construction worker matapos makuhaan ng P272,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Caloocan City Police chief. Col. Samuel Mina, Jr., nakatanggp ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang regular confidential informant hinggil sa illegal drug activities ni Orlando Domalaon, residente sa Sto. Niño Area D, Camarin, Brgy. 178.

Matapos ang isang linggong validation, dakong 1:00 am nakompirmang tama ang impormasyon kaya’t agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Maj. Deo Cabildo ng buy bust operation sa Pili St., Brgy.178.

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng isang medium plastic sachet ng shabu ang isang police poseur buyer kapalit ng P6,500 marked money.

Nakompiska sa suspek ang nasa 40 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P272,000 ang halaga at buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at 6 pirasong P1,000 fake/boodle money.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *