Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Reyno Oposa, bida si Dennis Roces sa Cinemalaya movie na Taras

Ngayong Feb 20-21, start na ang shooting ng bagong pelikula ni Direk Reyno Oposa na Taras na pagbibidahan ng anak ni Rosanna Roces na si Dennis Roces (dating Onyok).

Yes dahil bilib at may tiwala kay Dennis ay ginawang lead actor ni Direk Reyno. Nakitaan ng lalim ng pagkatao ng director si Dennis nang magkaroon silang dalawa ng virtual meeting para sa gagawin nilang proyekto na kanyang isasali sa Cinemalaya this year.

Sa laki ng bilib ni Direk Reyno kay Dennis ay very challenging ang role na ibinigay niya sa baguhang aktor na hahamon sa pag-arte nito.

Yes, sa aming group chat ay aming nabasa ang partial script nito at ‘yung character ni Dennis ay maikokompara sa mga ginagawa ng mahuhusay na aktor na hahawak ng baril at papatay.

Well, pangako ni Dennis kay Direk Reyno, lahat ng kaya niyang acting ay gagawin niya para sa ikaga­ganda ng kanilang pelikula at muli niyang pinasalamatan si Direk Reyno sa pagkuha sa kanya sa project na ito.

Sa kanyang shooting ay nangako ang kanyang Mommy Osang at tumatayong handler na Titang si Blessy Arias na susuportahan siya at magdadala pa raw ng pagkain sa set.

Nabigyan na rin siya ng tip ng kanyang Nanay Osang sa tamang pag-arte, kaya ready na talaga siya. Si Direk Reyno rin pala ang sumulat ng istorya ng Taras na inspired sa Christine Dacera story at gay version nito ang gagawin nila.

Ang Taras ay Visayan term that emphasize a behavior conflict or having an attitude problem.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …