Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagsisi na si Brianna!

Na-realize ni Brianna (Elijah Alejo) ang kanyang pagkakamali at nagdesisyon siyang ibalik na ang kuwintas kina Jaime (Wendell Ramos) at Lady Prima (Chanda Romero). Tanggap na niyang hindi naman talaga siya tunay na Claveria at sampid lang sa angkan dahil sa kanyang inang si Kendra (Aiko Melendez).

Ibinigay nina Jaime ang kuwintas sa tunay na nagmamay-ari nito na si Donna Belle (Althea Ablan).

Samantala, hindi matang­gap ni Kendra na nawala na sa kanya ang pagiging Claveria kaya pagkatapos umiyak at isuot ang korona na nagpapatunay na minsan siya’y naging reyna, bumuo siya ng plano kung paano makagaganti sa mga Claveria.

Tinawagan niya si Henry para bumuo ng isang maitim na balak para makaganti sa mga Claveria.

Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Prima Donna sa Biyernes, February 19, pagdating ng 3:25 ng hapon.

Anyway, bagama’t contravida, naipakakita ni Aiko Melendez ang angking galing sa pag-arte sa kanyang monologue last Monday.

Naipakita talaga niya ang angking husay sa pag-arte sa eksenang ‘yun na ipinakitang halos mabaliw na siya dahil sa sinapit na kabiguan.

If only for this, nakasisigurong may susunod siyang soap opera sa Kapuso network.

Tamang-tama ang kanyang paglipat dahil nataon namang nawalan ng prankisa ang Dos.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …