Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex Gonzaga bagong brand ambassador ng Villarica (‘Di lang superstar ng YouTube)

YES kinabog lahat ni Alex Gonzaga ang mga kapwa celebrity na sikat sa YouTube dahil sa kanya iginawad ang award na “YouTube Superstar” ng isang award giving body sa digital platform.

Well, may karapatan naman at deserve ni Alex ang nasabing parangal dahil as of presstime bukod sa over 9 million na ang subscribes, sa loob lang ng isang araw ay million ang inaani niyang views sa mga episode ng vlog na kanyang ina-upload.

Totoo ka, hindi pinagsasawaan ng kanyang followers si Alex dahil bukod sa pagiging kikay ay very entertaining ang kanyang vlog. Walang dull moment specially kapag ang topic ay about her family and her hubby — si Lipa Councilor Mikee Morada na nakaisang dibdib niya last November.

Patok din ang chikahan with Mikee, her ate Toni and Direk Paul Soriano na “Never Have! Ever Couple Edition” na 6 days pa lang ini-upload ay humamig na agad ng 5.7 million views and still counting.

Pagdating sa endorsements, kahit pandemya ay hindi nababakante si Alex at siya ngayon ang brand Ambassador ng ilang dekada nang popular na Villarica Pawnshop.

Sa kanyang photo shoot, para sa Villarica ay kinaaliwan si Alex at bagay siyang endorser nito na tiyak na tatangkilikin ng kanyang fans and supporters sa buong mundo kabilang ang overseas Filipino workers (OFWs) na madalas magpadala ng pera, para sa kanilang pamilya via Villarica.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …