Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

3 misis, 5 pa huli sa shabu

WALONG tulak ng ilegal na droga, kabilang ang tatlong ginang, ang naaresto sa magkakahi­walay na drug operations ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina, Jr., dakong 10:30 pm nang respondehan ng mga tauhan ni P/Lt. Ronald Allan Soriano ng West Grace Park Police Sub-Station ang natanggap na tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupo ng indibiduwal na nagtatransaksiyon ng ilegal na droga sa Doña Rita St., Brgy. 19 ng nasabing lungsod.

Dito naaktohan ng mga pulis ang grupo na nagtatransaksiyon ng droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilalang si Marian Montemayor, 41 anyos, Gloria Javier, 43 anyos, isa umanong scavenger, Roland Familgan, 46 anyos, construction worker, at construction foreman na si  Roderick Sanchez, 51 anyos.

Pitong plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.5 gramo  na hinihinalang shabu ang nakuha sa mga suspek tinatayang nasa P10,200 ang halaga.

Nauna rito, dakong 9:55 pm nang makuhaan ng halos dalawang gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P13,600 ang halaga si Paul Lobo, 41 anyos,  construction worker at Laarnie Dela Cruz, 40 anyos, maybahay, na nasita ng mga pulis sa Oplan Galugad sa harap ng bahay sa Sterling Diamante St., Deparo,   Brgy. 170, ng lungsod dahil kapwa walang suot na face mask at tinakbohan pa ang mga pulis.

Dakong 10:40 pm nang respondehan ng mga pulis ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa proliferation ng ilegal na droga sa Tulingan St., Brgy.14, nagresulta sa pagkakaaresto kay Sonny Ocampo, 47, tricycle driver at Carlito Lurique, 45, vulcanizing boy.

Nakuha sa kanila ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,400 ang halaga.

Kapwa nahaharap ang mga naarestong suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …