Wednesday , December 18 2024
Caloocan City

Mass gathering sa Chinese New Year bawal sa Caloocan

IPINAGBABAWAL ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang kahit anong uri ng mass gathering sa lungsod sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Biyernes, 12 Pebrero.

Sa inilabas na Executive Order 006-21, nakasaad na bawal ang street party, stage shows, parada, palaro, dragon dance at iba pang aktibidad na maaaring pagmulan ng mass gathering.

Ani Malapitan, pinir­mahan niya ang kautusan bilang pagsunod ng lungsod sa umiiral na community quarantine protocols ng Inter-Agency Task Force upang mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19 virus.

Ipinag-utos ng punong-lungsod na mahigpit na ipatupad ang umiiral na ordinansa sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok at ang ordinansa sa pagbebenta at pag-inom ng alak.

Nakasaad sa kautu­san, sa mga pribadong pagtitipon ay hanggang 10 tao lamang ang papayagan at kinakai­langan mahigpit na ipatupad ang pag­susuot ng facemask, face shield, at social distancing.

Ang mga restaurant ay kinakailangang sundin ang 50% dine-in capacity at 30% capacity para sa simbahan at religious activities.

Inatasan ni Mayor Oca ang Caloocan Police, Department of Public Safety and Traffic Management at barangay officials upang masi­gurong maipatutupad ang kautusan.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *