Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasikatan noon, maayos at magandang pagpapatakbo, malaking factors sa pag-angat ni Maribel Aunor

Sabi nga nila madalas kapag artista o singer lalo na kung sikat ay may CI (corporate images).

At yes totoo naman ‘yan like Maribel Aunor na hindi matatawaran ang kasikatan noong dekada 70 na umabot pa hanggang 80s kasama ang tatlo pang miyembro sa tinitiliaan noon ng mga kabataan na

“Apat Na Sikat.”

At bongga itong si Ma’am Maribel, after showbiz ay may fall back agad siya matapos makapag-aral at makapagplano. Hayun nagtayo siya noon ng promotion agency hanggang ginawa niya itong Manpower Agency na Golden Legacy Jobmovers Corporation na located sa 2174 & 2149 Taft Business Centre Bldg., Taft Avenue, Malate, Manila, at ang LA AUNOR Realty Holdings Corporation na siya ang President at CEO.

Yes, kung noo’y ang pagpapasaya sa marami niyang tagahanga nila ni Arnold Gamboa ang bigay ni Ma’am Lala, ngayon ay pagtulong naman sa ating mga kababayang professional man o hindi, para makapagtrabaho sa iba’t ibang bansa ang matagal na rin niyang ginagawa.

At ilan sa mga kailangan (hirings) nila sa Golden Legacy Jobmovers Corp ay Assistant Professors with at least 2 years teaching experience at PhD in Nursing at maganda ang monthly salary sa trabahong ito.

Puwede rin mag-apply ang mga gustong maging domestic helper sa bansang Qatar at Saudi Arabia at protektado kayo ng said agency. Yes kahit may pandemya ay tuloy-tuloy ang operasyon ng mga negosyo ng dating singer-actress dahil maraming empleyado ang umaasa sa kompanya.

In fairness to Ma’am Lala, marami pa rin ang mga nakakilala sa kanya bilang artista at singer kaya sa kanyang pagiging hardworking, mabait na boss, maayos at magandang pamamalakad sa kanyang mga business, hindi naka­pagtatakang successful na siya sa matagal nang panahon.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …