Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Quinn Carrillo, happy kahit mapagalitan ni Direk Joel Lamangan

ITINUTURING ni Quinn Carrillo na ibang klaseng experience para sa kanya ang makatrabaho ang premyadong direktor na si Joel Lamangan sa Silab, na launching movie ni Cloe Barreto.

Saad ni Quinn, “Working with direk Joel Lamangan, wow grabe! Iba talagang experience. To be honest, kahit napapagalitan ako, deep inside I was really happy, kasi it means na napapansin niya ako and tinututukan niya po talaga kaming lahat.

“You can really see na making movies is his passion and it really reflects naman sa movies na nagawa niya. Very well crafted…Iyong ibang playbacks during the shoot na napanood ko, I was amazed by everything like the framing, lighting… ang ganda!”

Bakit siya napagalitan ni Direk Joel?

Nakatawang sagot ng member ng Belladonnas, “Hahaha! Napagalitan po ako, kasi medyo slow ako sa pag-follow ng instructions minsan, hahaha!

“Siguro po na-overwhelm din ako, kasi baguhan ako tapos naka-work ko pa si direk Joel,” nakangiting wika niya.

Ano ang role niya sa Silab?  ”Iyong role ko po, ako po ‘yung maharot na yaya ni Ms. Lotlot de Leon. So, medyo ako po ‘yung comedic relief sa film.”

Mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network, tampok din sa Silab sina Jason Abalos, ang kapatid nina Quinn at Cloe sa 3:16 Events and Talent Management na si Marco Gomez, Chanda Romero, Jim Pebanco, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …