Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pokwang, kaagapay ng RD Pawnshop sa magandang bukas

KAAGAPAY sa pangangailangan. Ganito inilarawan ni Alma Pascual,  Business Unit Head ng RD Pawnshop Inc., si Pokwang bilang bagong endorser nila.

Puring-puri nga ni Ms Pascual si Pokwang na hindi sila nahirapan para magdesisyong ang aktres/TV host ang kunin nilang endorser.

Ani Ms. Alma, ”Si Pokwang eh, pangalawang endorser for 45 years ng RD Pawnshot, but we saw the real market needs we had with Pokwang. Kaagapay. Siya ‘yung andyan kaagad kapag kailangan mo katulad ng RD pawnshop kaya siya ang kinuha namin.”

Para naman kay Pokwang, “Maganda ang programa nila, hindi mataas magpatubo. Kaya naman pumayag ako na maging endoser nila. Mahalaga kasi sa akin ang pagiging maka-tao. Eh ganoon ang RD Pawshop.

“Hindi nila sinasagad ang taong gipit, hindi sila ganoonAnd then ‘yung pinagpapaguran ng mga OFW nakakarating ng buo sa kani-kanilang pamilya. Hindi sagad ang bawas.

“Alam kasi ng RD ang pinagpapaguran ng mga OFW. Nararamdaman at nauunawaan nila ang pinagdaraanan ng bawat Filipino na nagsisikap para sa pamilya. Ako ‘yun eh, nakikita ko ang sarili ko sa hangarin ng RD.”

Iginiit pa ni Pokwang na, ”‘Yun ang binibigyan nila ng halaga, ang pinagpapaguran ng magulang, kapatid o anuman ‘yan para sa mga mahal nila sa buhay.”

Kasabay ng ika-45 taon ng RD Pawnshop, Inc., ang paglulunsad kay Pokwang bilang pinakabagong endorser nila. Gayundin ang pangakong makapagbigay ng quality service sa lahat ng Filipino o ang Magandang Bukas campaign.

Ipinapangako sa kampanyang Magandang Bukas na kaagapay sila ng mga hardworking Filipino lalo na ngayong may pan­demic.

“At RD Pawnshop, we recognize the value of stability from beginning to end, which helped us thrive for 45 years in service. We want to share this value of stability with Filipinos as we will always be happy to serve and accompany them in every part of their journey. We also want to continue being a source of hope and partner until they make all their dreams happen, hence our new tagline ‘Kasama mo, Hanggang sa Magandang Bukas,” giit pa ni Pascual.

Itinatag ang RD Pawnshop noong 1976 ni Rodrigo E. Rivera Sr. katulong ang asawang si Dolores Chua Rivera sa General Santos City. Parte ito ng conglomerate RD Corporation na nagbibigay ng malinis, matapat at respetadong serbisyo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …