Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria at Marco, may sumpaan ‘Pagdating ng 35, tayo na lang’

HINDI namin alam kung biruan o totohanan ang usapan nina Marco Gumabao at Ria Atayde na ‘kapag 35 at single pa, tayo na lang.’ Kaya naman klinaro namin ito sa binata nang magkaroon ng digital media conference ang Parang Kayo Pero Hindi na isa sa bida si Marco kasama sina Xian Lim at Kylie Verzosa.

Ani Marco, ”Parang wala lang, parang usapang barkada lang,” pauna ni Marco na sa February 12 na mapapanood ang Parang Kayo Pero Hindi, kauna-unahang Vivamax Original Series.

Parang trip-trip lang na, ‘o basta pagdating natin ng 35 tapos wala tayong girlfriend, boyfriend, tayong dalawa na lang,” dagdag pa ng binata na gagampanan ang role ni Robi, ex boyfriend ni Daphne (Kylie).

Natatawang kuwento pa ni Marco, “Parang joke na hindi. Sa totoo lang hindi ko rin po alam, ha ha ha.”

Paglilinaw pa ni Marco, ”kami po kasi ni Ria very ano kami, para kaming magkapatid ang turingan namin. Kasi we’ve been friends for seven or eight years na. Kumbaga, andoon ang closeness namin as magkapatid, so wala lang. So ‘yung sinabi naming 35 years old, parang more of as a joke, pero malay mo ‘di ba pagdating namin ng 35, let’s wait, matagal pa naman.”

Sa kasalukuyan, 26 years old pa lang si Marco. ”Malayo pa at may nine years pa ako, ha ha ha,” dagdag pa nito.

Ang Vivamax ay pwede nang ma-download sa Pilipinas sa Google Play Store. Sa halagang P149, mapapanood mo na lahat! Maaari mong mapanood ang mga pelikulang Pinoy, TV series, dokumentaryo, music specials, at higit sa lahat ang Vivamax Originals. Kaya download na.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …