Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez
Regine Velasquez

Intermittent fasting, effect kay Regine; 20 lbs, nabawas

Samantala, ukol sa kanyang Freedom digital concert sa February 14, gagawin ito sa ABS-CBN studio. ”So ang hitsura niya concert stage talaga. May mga guest ako pero hindi ko pa pwedeng sabihin. At ang guests ko, live. Hindi siya sa screen, live kami,” pagbabahagi ni Regine sa Freedom concert na si Paolo Valenciano ang stage director at si Raul Mitra ang musical director.

“Iniisip nga naming kung pwede rito sa bahay ko, kaya lang ang dami ko na kasing ginawang online concerts din dito eh. Sabi namin dapat makita naman ng tao ‘yung concert stage talaga. Then we will have a live band, a back up singers, and two dancers,” sambit pa ni Regine.

At dahil kilala sa pagrampa ng naggagandahang gown si Regine tuwing Valentine concert niya, makikita pa rin ito sa Freedom.

Talagang mag-a-outfit ako dahil pumayat na ako,” buong pagmamalaki ni Regine.

“Parang 20 lbs ang ipinayat ko,” aniya. “Ang exercise ko kain, ha ha ha.”

Intermittent fasting ang ginawa ni Regine kaya pumayat siya. “Tapos noong nag-intermittent ako konti-konti, parang tinanggal ko breakfast hanggan eventually nag-one meal a day lang ako. Roon na talaga ako pumayat  sa one meal a day.

“Pero ang one meal a day ko pangkargador. Bonggang-bongga. Kahit ano pwede kainin. Kaya nga ayokong mag-try ng ibang diet kaya intermittent ang pinili ko para I can eat whatever I like.

“Nai-stress ako kung may certain food lang na pwedeng kainin o ‘yung calory counting. Okey na ako roon sa isang beses lang kakain pero bonggang-bongga,” mahabang esplika ni Regine.

Kaya don’t forget sa February 14, watch na ng Freedom na ang mga nakakuha na ng VIP slots ay may access sa Freedom concert, virtual meet and greet, behind the scenes, at zoom after paty & request portion with Regine.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …