Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
CoVid-19 vaccine taguig

Dry run ng CoVid-19 vaccination sinimulan sa Taguig

IKINASA kahapon ang dry run ng CoVid-19 vaccination sa vaccination hub na matatagpuan sa Lakeshore Mega Complex, Barangay Lower Bicutan sa Taguig City.

Pinangunahan ang dry run nina Taguig City Mayor Lino Cayetano, Congressman Alan Peter Cayetano, Congresswoman Lani Cayetano, kasabay ng pagbisita ng IATF Code Team na sina Sec. Francisco Duque III, Sec. Carlito Galvez, Jr., at Sec. Vince Dizon, dakong alas 9:00 am.

Ito ay bahagi ng paghahanda ng Taguig city government sa pagdating ng mga bakuna sa bansa sa susunod na buwan.

Katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagtatampok ng kanyang vaccination procedure mula sa transport ng vials buhat sa ORCA Cold Storage Solutions patungo sa pagbibigay ng bakuna sa mga Taguigeño sa Mega Vaccination Hub ng Lakeshore Complex.

Target mabakunahan ang halos 700,000 residente sa lungsod sa loob ng 23 araw.

Mayroong dalawang sinanay na vaccination teams  na nasa venue. Limang miyembro ng team ang mangangasiwa sa bakuna at 24 Baranggay Health Workers ang nagsagawa ng kunwaring bakuna sa kasagsagan ng dry run.

Puspusan ang kampanya sa pagbabahagi ng impormasyon ukol sa inihandang pasilidad ng lungsod at sakaling maging availabale ang bakuna, gagamitin ang Taguig ID system para sa pre-registration para sa vaccination, at ng step-by-step vaccination process sa Mega Vaccination Hub.

Tiniyak ng Taguig City government  ang agresibo at konkretong plano sa pangkalahatang paghahanda sakaling dumating ang bakuna. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …