Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia

Aminado si Joshua Garcia na minsa’y naisip niyang lumipat sa ibang network

Sa intimate interview sa kanya ni Enchong Dee sa YouTube video that was uploaded last Friday evening, January 22, 2021, Joshua opened up about heart matters, popularity and about his career.

He was asked about his sentiments when ABS CBN was not granted a franchise.

Bagamat they have given their network full support, magkaiba ang pagpapakita nila ng pagsuporta.

If Enchong happens to be the vocal type, tahimik lang si Joshua.

“Sabi sa ‘kin ni Joshua,” Enchong averred, “‘I support ABS-CBN.” Pero hindi kasi siya ‘yung taong would go out there and voice out and really.

“But 100 percent ang suporta sa lahat ng Kapamilya.”

Aminado si Joshua sa pagkakaroon ng fear matapos ang ABS-CBN shutdown.

Oo nga’t hindi raw siya nag-a-a-attend sa mga rally-rally, but he is with them 100 percent.

“Mine-mesage ko pa sina Tita Cory na nasa likod lang nila ako,” he asseverated in obvious reference to Cory Vidanes, ABS-CBN chief operating officer for broadcast.

Sumagi raw sa isip niyang lumipat pero hindi raw niya magawa.

Iba raw kasing relationship ang na-build niya with ABS.

“Parang naging pamilya ko sila,” he asseverated. “Parang hindi ko kayang iwan.

“Mananatili ‘yung loyalty [ko] nasa ABS.”

Aminado si Joshua na nag-alala rin siya sa kanyang kita nang magsara ang kanilang estasyon.

Nevertheless, may idinulot raw na kabuti­han ang sitwasyon dahil ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Kumukuha si Joshua ng Bachelor of Science in Entrepreneurship.

“Dumaan lang talaga sa isip ko na gusto kong lumipat.

“Pero feeling ko, pinapa-realize sa ‘kin na marami pa akong puwedeng gawin, na puwede kong pagkunan ng income.

“Kasi ‘yun lang naman ang worry sa akin, e, ‘yung income, e.”

Ang susunod raw na pagtutuunan niya ng pansin ay kung anong investment ang magandang pasukan.

Kinokonsulta raw niya si Enchong dahil may magaganda itong negosyo at investments.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …