Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mr. Johnny Manahan bitter sa desisyon ni former Cong. Albee Benitez na ‘stop’ na sa ere Ang Sunday noontime live

Kung dati ay mailap si Mr. Johnny Manahan sa pagpapa-interview sa press, ngayon ay panay ang harap niya sa kamera para akusahan ang former Congressman and businessman na si Mr. Albee Benitez ng Brighlight Productions, na hindi marunong sa negosyo.

Nag-ugat ang pagiging bitter ni Manahan nang magdesisyon si Mr. Benitez bilang producer ng Sunday Noontime Live sa TV 5 na kinabilangan nina Piolo Pascual, Maja Salvador, at Miss Universe Catriona Gray etc… na si Manahan ang director. Sabi raw kasi sa kanila ni Mr. Albe ay hanggang six months tatakbo ang kanilang show pero bigla silang kinansela na 3 months pa lang silang umeere sa SNL.

Doon sa pagkukuwestiyon ni Mr. Manahan na hindi marunong sa negosyo ang dating kongresista ay foul ang kanyang sinabi. Porke ba tinigbak sila e, no how na sa pagpapatakbo ng business. Bakit hindi man lang nila tiningnan ‘yung nagawa sa kanila ng negosyante na nabigyan sila lahat ng trabaho sa gitna ng pandemyang dinaranas ng ating bansa.

Saka nalugi na ng kalahating bilyon si Mr. Benitez mahirap bang intindihin na hindi kumikita ang show nila, alangan namang lahat ng pera ay ubusin sa kanila.

Saka bakit sobrang taas naman pala ng ‘talent fee’ nina Piolo at Maja sa Sunday Noontime Live mas malaki pa raw ang ibinabayad sa kanila ni Mr. Albee kaysa talent fee nila sa ASAP Natin ‘To.

So na-betray pa pala ang produ ng Brightlight Productions.

Just asking…

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …