BUKOD sa pagiging mahusay na singer/composer, may radio show din pala si Diane de Mesa sa DDM Studio LIVE na Notes From The Heart. Nalaman namin ito nang nabasa ko ang FB post niya, recently.
Saad niya, “It’s my weekly radio show as DJ Diane. I sing few songs live, but mostly play my official music videos. I also feature indie artists and musicians songs and music videos. Talents from US, Philippines and global sa FB live.”
“Special guest ko si Ka-Gari sa radio show ko sa DDM Studio LIVE, “Notes from the heart” sa Jan 22 @ 8pm (California)/ Jan 23 @12pm (Manila). Bale interview ito, tapos kakanta rin siya nang live and I’ll play his songs also. Sa FB Live ito mapapanood.”
Bukod dito, tunghayang muli sina Gari at Diane sa Aliw Awards Congress Highlights 2020-A Post-Production Presentation for Facebook Live! Ito’y magaganap sa Feb. 5 sa Califonia at New York, at February 6 naman sa Filipinas.
Host dito si Ms. Diane de Mesa at ang aALIWIN Kita host na si Birdie Reyes III. Special guests naman si Gari at Khenzuya Yamamoto na Aliw Special Awardee for Artistic Excellence. Pag-uusapan dito ang winners and behind the scenes sa nasabing event.
“Yes, that is the FB LIVE version of the Post-production of ALIW Awards. Co-host ko si Mr. Birdie Reyes III, son of Tita Alice Hernandez-Reyes and he’s the host of “Aaliwin kita.” Special guest will also be interviewed regarding their awards.
“Mayroon din TV mainstream version nito sa Jan. 31 sa Beam TV. Both produced by my new station, DDM Studio, International in partnership with ATC Channel 31 & Supremo Records,” esplika ni Ms. Diane.
Marami pa palang dapat abangan ang fans niya, pero dahil loaded talaga ang schedule ni Ms. Diane ay hindi pa niya ito ma-accommodate.
“Mayroon pang virtual concert! Pero dahil sa ka-busy-han ay na-move na ‘yung date sa TBA. Siguro sa March na ito or late February,” pakli niya.
Bukod sa pagiging mahusay na singer, si Ms Diane ay isa rin frontliner at kabilang sa mga ipinagmamalaking Pinay nurse sa Amerika.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio