Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DZBB Top Gun Rowena Salvacion, biktima ng pag-iinarte ni Ali Sotto

UNFAIR naman pala sa broadcaster na si Rowena Salvacion, isa sa mga top gun ng DZBB, na siya ang sinisisi sa pagkawala ni Ali Sotto sa programang “Double A sa Dobol B” with Arnold “Igan” Clavio dahil sa sibuyas.

Yes, malinaw na biktima si Rowena ng intriga at wala naman pala siyang kinalaman sa biglang pagkawala ni Ali sa show dahil expired na pala ang kontrata niya noong December 31, 2020 pa. Kung anong nangyari sa kontrata niya, kung siya ba ay hindi nag-renew o hindi na siya ini-renew ng management, ang nakaaalam lang nito siyempre siya at ang head ng DZBB na si Mr. Mike Enriquez.

Ang hindi maganda rito kay Ali, ay kanya pang sinisisi sa press kung bakit siya ang nasa news e, dapat sila raw ang gumagawa ng news. Ganoon naman pala ‘e bakit kasi hindi sabihin ang totoong nangyari sa pagkawala niya sa programa nila ni Arnold. Saka sino ang kanyang pinatamaan sa post niya sa kanyang Instagram account na isang quote card, “Never accept anything less than you deserve. Remember you teach people how to treat you.”

At nasa caption nito, “Huwag na huwag mong tanggapin ang menos sa nararapat para sa iyo. Tandaan: itinuro mo sa iba kung paano ka tratuhin. Magpatuloy kung ano ang iyong papayagang magpatuloy. Huwag kasing maging doormat.”

Madame Ali, sino ba ang pinatatamaan mo, at sino ba talaga ang kaaway mo? Sana huwag nang magpaka mystery at mandamay ng inosente.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …