Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pauline, pasado ang acting kay John

VERY talented at hardworking kung ila­rawan ng beteranong aktor na si John Estrada ang promising young na si Pauline Mendoza.

Sa dami ng young talents na nakatrabaho na ni John sa industriya, tila tumatak sa aktor ang husay sa aktingan ni Pauline para sa kanilang pagbibidahang GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Gaganap si Pauline bilang si Iris, ang anak ng karakter ni John.

Sa kanyang Instagram post ay pinuri ng aktor ang performance ni Pauline, ”Babawiin ko ang lahat is a father and daughter love story. Here with me is my daughter in the serye no less than the very talented, very hard working @paulinemendoza. So proud of you Pau, galing mo.”

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Pauline sa kanyang co-stars sa suportang ibinibigay lalo na sa heavy scenes.

Ani Pauline, ”Lahat ng eksena ko halos everyday na umiiyak. Challenging talaga kasi very heavy ‘yung scenes namin. Pero siyempre with the help of veteran actors, thankful talaga ako kasi gina-guide nila ako.”

Abangan ang nakaaantig sa puso na kuwento ng pinakabagong Kapuso series na Babawiin Ko Ang Lahat sa Pebrero sa GMA-7. (ROMMEL GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …