Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine at Sheryl, todo-bigay sa Magkaagaw

ILANG araw na lang ay muli nang mapapanood ang drama series na Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime kaya naman looking forward na sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz na balikan at ipagpatuloy ang kapana-panabik na kuwento ng programa.

Para sa kanila, isang commitment ang muling pag-ere ng show para mabigyan ng proper ending ang serye.

“It’s our obligation to finish what we started and I think we owe it to the audience na hindi natin sila pwedeng bitinin na hanggang doon na lang,” ani Sunshine sa panayam ng 24 Oras.

Tulad ni Sunshine, todo-bigay rin si Sheryl sa kanyang role. Kuwento niya, “’Pagdating sa character ko, I can guarantee that I can give my 110% kasi I still read the scripts na ipinadadala sa akin ng production. Kahit paano, I am still able to practice my lines at ‘di na nangangapa pagdating sa set.”

Huwag nang magpapahuli at abangan ang recap ng Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime simula ngayong January 18.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …