Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ali Sotto nag-resign sa radio program nila ni Arnold Clavio (Dahil sa sibuyas)

SOBRANG babaw lang kung tutuusin ang rason ng pag-alis ng singer at TV and Radio personality na si Ali Sotto, sa top-rating morning radio program nila ni Arnold Clavio sa DZBB at ‘yan ay dahil lang sa sibuyas.

Pero para kay Ali ay sobrang nainsulto siya nang magsumbong kay Mike Enriquez, isa sa top gun ng DZBB, si Rowena Salvacion tungkol sa pagpapakisuyo ni Ali sa production assistant ng kanilang show ni Igan para kunin ang sibuyas sa delivery boy na galing sa masugid na listener at tagahanga ni Ali.

Naging topic kasi ni Ali sa show ang presyo ngayon ng per kilo ng sibuyas na may kamahalan na sinang-ayunan naman ni Arnold. Kaya nang marinig ito ng fan ni Ali ay agad siyang pinadalhan ng sibuyas sa DZBB.

At dahil on board o on the air siya noong dumating ang delivery boy ay kaniya nga itong ipinakisuyo sa PA na minasama raw ni Ms. Salvacion.

Ang ending matapos sabihan ni Mike Enriquez si Ali na magpahinga muna hayun nag-resign na lang sa show. Ngayon ay sina Arnold at Rowena na raw ang tandem sa programang iniwan ni Ali.

Ang tanong marunong bang kumanta ang nasabing ehikutibo, gaya ng araw-araw na ginagawa ni Ms. Sotto?!

Naku baka sumasadsad na ang ratings ng said show.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …