MULA sa pagiging singer/recording artist, sumabak na rin si Janah Zaplan sa pag-arte. Mapapanood ang tinaguriang Millennial Pop Princess sa pelikulang Mamasapano ng Borracho Film Productions na tinatampukan nina Edu Manzano, JC de Vera, Aljur Abrenica, Gerald Santos, at mula sa pamamahala ni Direk Lawrence Fajardo.
Ipinahayag niya ang kagalakan na maging bahagi ng isang mahalagang pelikula, kahit maliit lang daw ang role niya rito.
Lahad ni Janah, “It’s an honor for me to be part of that, even though I’m just a reporter na maliit ‘yung role. But, small man o big ‘yung role, that’s what makes the movie complete. I’m happy, I’m grateful for the opportunity, sana po ay maulit.”
Inusisa rin namin kung sino pa ang wish niyang makatrabaho kung mabibigyan ng chance.
Nakangiting wika ni Janah, “Lagi ko pong sinasabi na sana ay si Joshua Garcia, kung kilig movie man iyan,” pabungisngis na saad niya habang kinikilig
“Pero, Ms. Kathryn Bernardo is someone I look up to now and Mr. Daniel Padilla, I stan them so much and siguro po kung mabibigyan ng pagkakataon, ‘yung veterans din po like Vilma Santos, Sharon Cuneta, because I know I’m gonna learn a lot from them. Pati po si Claudine Barretto, na naka-eksena ko po sa Mamasapano at napakahusay niya po talaga.”
Game raw siyang i-pursue ang kanyang acting career, pero sa ngayon ay mas priority niya ang pag-aaral. Aniya, “Well, Im really open to new opportunities such as this, pero I’m taking it one step at at time. Kasi po at the moment, I’m also studying. So, medyo focus din po ako roon. So, unti-unti lang po muna, hindi ‘yung biglaang entry sa showbiz,” tugon pa ni Janah na kasalukuyang nag-aaral sa Airlink ng kursong BS Major in Flying.
Anyway, congrats din kay Janah dahil bago magtapos ang 2020 ay sinungkit niya ang kanyang third Aliw Awards trophy bilang Best Female Pop Artist.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio