Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea Alonzo hinarangan si madir sa mga sasabihin sa ex na kinamumuhian nito

PINAG-USAPAN ang pagkaprangka ni Mary Anne Ranollo Sumalang sa Q&A sa YouTube vlog ni Bea dated January 9, 2021.

Setting ng kanilang video ang kanilang mango farm sa Zambales.

“Sino ang pinakaayaw mong ex-boyfriend ko?” Bea asked her mom.

“Oh my god!” was Bea’s mom horrific reply. “Tinatanong pa ba ‘yan?!

“Ayoko magsalita, pero huwag n’yo na itanong. Alam n’yo na. Next question, please.”

Tawa nang tawa si Bea but she did not comment any further.

Anyhow, tatlong aktor ang naging ex-boyfriend ni Bea — and they are Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, and the late Mico Palanca.

Disappointed rin si Mary Anne kapag nakikita niyang nagpapakamartir ang anak sa isang relasyon.

“Kapag pumapayag ka na niloloko ka,” she added. “Kapag nagpapaloko ka.”

Obvious na ayaw nang pag-usapan ni Bea ang kanyang hindi pinangala­nang ex-boyfriend dahil hindi na nito binigyan ng pagkakataon ang ina na ipaliwanag ang kanyang sagot.

Napangingiting nasabi na lang nitong, “Next…”

Hirit tuloy ni Mary Anne na madaya raw ang kan­yang anak dahil tinatapos agad nito ang kanyang kasagutan.

Isa lang naman daw ang dream ng nanay ni Bea—ang makitang happy ang anak sa lalaking tunay na magmamahal rito.

Pinayohan niya ang anak na sana raw ay matuto sa buhay at alagaan ang kanyang sarili.

Ang gusto raw niyang character traits ng “future husband” ni Bea ay iyong mabait lang. Totoo at hindi ‘yung babaero!

Anyhow, sinabi ni Bea na nasa “dating” stage kuno siya ulit sa ngayon.

Char! Hahahahahahahaha!

Bagama’t hindi niya derektang inamin ang identity ng lalaking kanyang nakaka-date sa ngayon pero lahat ng clues ay tumutukoy sa iisang tao – si Dominic Roque.

Sa bandang dulong bahagi ng vlog ni Bea, nabanggit si Dominic sa “Jojowain o Totropahin Challenge” na nilaro ng mag-ina.

Walang kiyemeng sinabi ni Mary Anne na “jojowain” niya si Dominic kung sakaling magkasing-edad sila.

Agree naman si Bea, jojowain rin daw niya ang binatang daks at flawless!

Daks at flawless raw talaga, o! Hahahahahahaha!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …