Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, ibinuking ng rubber shoes (Suot nang makipag-date kay Dominic)

NAKITA na namin ang magkaparehong post sa Instagram nina Bea Alonzo at Dominic Roque nang kumain sa isang Japanese restaurant kamakailan. Bagamat wala silang post na picture na magkasama, makikita naman ang pagkakahalintulad ng lugar at iba pang bagay.

Pero ang mas nakakuha sa amin ng atensiyon ay ang picture ng rubber shoes na ibinahagi ni Dominic. Dalawang binti ng lalaki at babae na nakasuot ng puting rubber shoes.

Sinipat naming mabuti ang rubber shoes ng babae (tiyak kami dahil nasa hitsura naman). Pareho iyon ng rubber shoes na suot ni Bea sa isa sa picture nito sa kanyang IG. Ito ‘yung picture na yakap niya ang kanyang ina three days ago.

Idagdag pa natin nang mag-game silang mag-ina sa vlog ni Bea ukol sa ‘jojowain’ o ‘totropahin’ challenge. Ito ‘yung nagbigay si Bea ng mga pangalan ng celebrities—Hollywood and local. Maraming celebrities ang binanggit na pangalan pero pagdating kay Dominic, mabilis ang pagsagot ni Bea, at wala ring kagatol-gatol, aniya ”Jojowain ko rin.”

Hangad lang ng ina ni Bea na maging maayos silang magkapatid kapag nagkaroon na ng sariling pamilya, lalo na ang aktres na ayon nga sa ina, eh, “Sana natuto ka na. Sa life, alagaan mo ang sarili mo. Alagaan mo ang puso mo anak. Hinay-hinay lang, huwag todo.”

Wish din ng ina ni Bea na makahanap ito ng asawang, ”Mabait lang, maging totoo at huwag babaero please.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …