Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, nagulat nang ipakilala ni Thirdy ang GF

INAMIN ni Jodi Sta. Maria na ikinagulat niya nang ipinagtapat sa kanya ng anak na si Thirdy Lacson, na may girlfriend na ito.

Nangyari ang pagtatapat ng anak sa #AskJodiAnd Thirdy episode sa kanyang Youtube channel na Jodi Sta. Maria PH.

Aware naman si Jodi na binata na ang kanyang anak na si Thirdy at darating ang panahon na magkakaroon din ito ng sariling buhay. Pero nagulat pa rin siya nang sabihin ng anak na may girlfriend na nga ito.

Nang matanong sa aktres kung ano ang naging reaksiyon niya nang unang makilala ang girlfriend ng anak.  Hindi agad ito nakasagot at saka sinabing, ”Alam ko naman na darating iyong time na magkakaroon ng girlfriend si Thirdy.

“It was just it came as a surprise lang to me dahil hindi ko ine-expect na ito na, agad-agad, now na. Mas na-surprise,” nakangiting sagot ng aktres/producer.

Tanong uli kay Jodi, nagselos ba siya nang malamang may GF na si Thirdy?  Sagot nito,”Hindi. Hindi naman ako nakakaramdam ng selos.”

Hindi naman sinabi kung sino ang girlfriend ni Thirdy. Pero makikita ito sa social media ng binata.

At nang may magtanong kung hindi ba naiilang si Thirdy na bine-baby pa siya ng kanyang ina, walang kagatol-gatol na sinagot nito ng, ”Gusto ko nga bine-baby pa ako.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …