Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dante Salamat, tampok sa pelikulang Pamilya Puti

BIDA na sa pelikula ang masipag na businessman na si Dante Salamat.

Kahit may pandemic last year, humataw ang showbiz career ng tinaguriang Cool Boss ng It’s Showtime. Pinagsabay niya ang kanyang business at ang passion sa pag-arte at enjoy naman siya sa resulta nito.

Si Mr. Dante ang President at CEO ng sariling kompanya, ang PR-Diamond Realty Group of Companies. Siya ngayon ang tumatayong presidente ng Philippine Associations of Real Estate Board.

Ang tatampukan niyang pelikula ay pinamagatang Pamilya Puti. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Chocoy Tor­res. Kasama rin dito sina Jao Mapa, Lou Veloso, at iba pa.

Kuwento niya sa amin thru FB, “Iyong movie namin is horror na may halong fantasy, parang ganoon. Ito ay isang full length film at ang role ko rito ay si Emil, nasa YouTube na po ang teaser nito kung gusto ninyong makita.”

Aniya, “Ako ‘yung may power dito, na lumalaban sa mga masasamang espirito. Bale, may first generation kasi iyong Pamilya Puti, bale tatay ko bale rito si Jao Mapa. So ipinasa sa akin ‘yung kapangyarihan para labanan ang masasamang espirito.

“Dapat po isasali ko ang movie sa MMFF, ako ang producer nito pero hindi po ako pumayag… kasi virtual lang ipapalabas, hehehe.”

Ang Pamilya Puti ay mula sa Cool Boss Diamond Film Productions.

Desidido rin si Cool Boss na magprodyus pa ng ibang pelikula, kapag natapos na ang pandemic.

Ang isa pang proyektong natapos na niya ay indie film na Padadtay ni Direk Romm Burlat. Kasama sa pelikulang ito sina Soki Lana, Mer Penalosa, Ian Garcia, Direk Romm, Jimmy Belleza, Sam Tolentino, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …